Alam niyo ba na mula pa noong 5th at 4th- Century BCE ang greek physician of the age of pericles na si Hippocrates II na tinaguriang Father of the Medicine ang unang gumagamit ng bawang bilang alternatibong gamot sa ibat-ibang uri ng sakit?
Ang bawang ay isang anti-inflammatory foods na kayang magpababa ng ating mga cholesterol at blood pressure upang matulungan ang maayos na pagdaloy ng dugo sa ating mga katawan.
Kaya din nitong alisin ang ating mga pimples o iba pang skin conditions dahil taglay din nito ang anti-bacterial property at kaya nitong paluwagin ang daluyan ng ating mga blood vessels.
Nakakapampabawas din ito ng timbang, pampatalino, may taglay na anti-fungal, anti-oxidant at anti-viral para maitaboy ang mga bacteria katulad ng influenza, free radicals, psoriasis, ubo, sipon, trangkaso, iba pang impeksiyon at mas maiiwasan ang allergy.
Gamot din ito sa gum infections, bad breathe at panlaban sa sakit na athritis, sakit sa puso, atake sa puso at stroke upang maging maayos ang sirkulasyon ng dugo sa ating mga katawan.
Nakakapampaganda din ito ng buhok at nakakatulong para mawala ang wrinkles, at maganda para sa ating healthy digestion.
Nakakabawas din ito ng brain activity, nakakarelax ng brain muscles para maalis ang nararanasang stress at anxiety. —sa panulat ni Angelica Doctolero