Binalaan ng DOH o Department of Health ang publiko laban sa mga sakit na karaniwang nakukuha tuwing tag-init tulad dehydration at heatstroke.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, karaniwang tinatamaan ng dehydration ang mga bata at senior citizens.
Habang ang heatstroke naman aniya ay karaniwan sa mga nakatatanda.
Dahil dito, mariing pinapayuhan ng kalihim ang publiko na palagiang uminom ng tubig para maiwasan ang mga nabanggit na karamdaman.