Umamin mismo ang mga saleslady na hindi sila nakakasunod sa pagbabawal na magsuot ng high heels sa kanilang mga trabaho.
Kasunod na rin ito nang ginawang inspeksyon ng DOLE o Department of Labor and Employment sa ilang malls sa Metro Manila para tiyaking nasusunod ang No High Heels Policy sa mga babaeng empleyado.
Ayon sa mga saleslady, wala silang sapat na budget pambili ng bagong sapatos pang-trabaho o kaya naman ay kakabili lamang nila ng sapatos na may takong.
Ipinaliwanag naman ng isang manager sa labor inspectors na hindi pa sila nakakasunod sa Department Order dahil walang suplay ng sapatos na angkop sa kanila.
Kasabay nito, may mga sumusunod na rin sa kautusan nang paglalaan ng oras ng pahinga sa mga empleyado bagamat isang mall ang nadiskubreng isang upuan lamang ang inilalaan na pinagsasaluhan ng hanggang dalawampung (20) kawani.