Posibleng ipaampon na lamang ang mga sanggol ng 13 surrogate mothers na mga Pinay mula sa Cambodia.
Ayon sa pamahalaan, gustong ipapanagot ng cambodia ang responsibilidad sa mga ina ng mga nasabing sanggol subalit ay tinitignan pa ng gobyerno kung may kakayahan ang mga surrogate mothers na palakihin ang mga bata.
Subalit kung hindi anila kaya ng mga magulang ay magiging temporary wards of the state muna ang mga nasabing sanggol kung saan ay posibleng ikonsidera ng gobyerno na ipaampon ang mga ito.
Kasalukuyan naman ng nakakatanggap ng pag-aalaga at counseling ang mga na-pardon na Pilipina.
Sinusubukan na rin hikayatin ng pamahalaan na magtestify ang mga ito para sa potensyal na kasong kriminal laban sa mga recruiters nito.