Nadagdagan pa ang mga sanggol na naka-admit sa Pasay City General Hospital (PCGH) matapos mag positibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. John Victor De Gracia, Medical Director Ng Ospital, limang sanggol na ang ginagamot nila matapos isugod ang dalawa pang sanggol kung saan ang kanilang mga ina ay na una na ring nag positibo sa COVID-19.
Sinabi ni De Gracia na isa sa mga sanggol ay kritikal ang kondisyon at nasa NICU ng ospital at nasa maayos na kondisyon naman ang iba pang sanggol na maaari nang ilipat sa quarantine facility kasama ang kanilang ina o mapauwi na sakaling gumaling na rin ang kanilang mga ina.
Kasabay nito, ipinabatid ni De Gracia na halos punuan na naman ang COVID-19 ward ng Pasay City General Hospital kung saan sarado ang emergency room bagamat tuluy-tuloy ang pag-decongest nila sa lugar para muling tumanggap ng mga pasyente.