Hinimok ni Senator Tito Sotto ang mga producer na huwag nang kunin ang serbisyo ng mga artistang gumagamit ng iligal na droga.
Ito ay sa gitna ng halos sunod-sunod na pagkakaaresto ng mga nasa entertainment industry na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Binigyang diin ni Sotto na walang mabuting patutunguhan ang pagiging adik at makabubuti pang magpasailalim ang mga ito sa tamang proseso ng rehabilitasyon.
Bahagi ng pahayag ni Senator Tito Sotto
By Katrina Valle | Ratsada Balita