Ipinaaaresto na ng Manila Regional Trial Court ang sampung (10) miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Batay sa inilabas na resolusyon ni presiding Judge Alfredo Ampuan , nakitaan ng probable cause ang inihaing kaso laban sa mga akusado ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa paglabag sa Anti-Hazing Law.
Kabilang sa mga inisyuhan ng warrant of arrest sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Triangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Joriel Macabali at Hans Matthew Rodrigo.
Maaaring patawan ang mga nabanggit na personalidad ng ‘reclusion perpetua’ o habangbuhay na pagkakabilanggo at walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa mga ito dahil ang Anti-Hazing Law ay isang ‘non bailable offense’.
Matatandaang nakaraang taon nang bawian ng buhay si Atio mataapos sumailalim sa initiation rites ng Aegis Juris Fraternity.
(Ulat ni Bert Mozo)