Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na coronavirus disease 2019 (COVID-19) swabbing centers.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra kabilang sa mga pupwedeng kaharapin ng mga lalabag dito ay ang paglabag sa local ordinances on business establishments, consumer act, maging ang Republic Act 4688 na nagre-regulate sa operasyon at maintenance ng mga clinical laboratories sa bansa.
Bukod sa mga ilegal na swabbing centers, mahaharap din sa iba’t-ibang kaso ang mga indibidwal na masasangkot sa pag-iisyu ng peke o kaya’y gagamit ng pekeng COVID-19 swab test result.
Mababatid na kamakailan ay ipinasara ng mga awtoridad sa Maynila ang isang swabbing center sa lungsod na nag-ooperate nang walang business permit.