Desidido si Incoming President Rodrigo Duterte na masawata ang katiwalian at salot na iligal na droga sa bansa kaya’t nagbanta itong walang sasantuhin sa kanyang pag-upo sa puwesto.
Sinabi kagabi ni Duterte na wala siyang utos na patayin ang sinumang alagad ng batas na mapatutunayang sangkot sa iligal na droga at katiwalian kundi hulihin “dead or alive.”
Iginiit ng bagong Pangulo na pinili siya ng taong bayan para matigil na ang talamak na katiwalian at operasyon ng illegal na droga sa bansa.
Kaugnay nito, inatasan ni Incoming President Rodrigo Duterte ang bagong Pinuno ng NBI na kapag mayroon itong tauhan o ahente na nagkakalat kaugnay sa droga, dapat itong patayin.
Ayon kay Duterte, bibigyan niya ang NBI Director ng Tatlong Milyong Piso na pabuya sa pagkakahuli sa mga NBI agent na sangkot sa iligal na droga.
Dalawang Milyong Piso, aniya, ay para sa pasimuno ng droga at ang Isang Milyon ay sa galamay nito.
Target din ni Duterte na gamitin ang Philippine Army at Philippine Navy para hanapin ang mga Pulis na sangkot sa operasyon ng droga, habang ang mga Heneral ay ipatitira sa Private Army.
By: Avee Devierte