Inihayag ng Department of Justice na bukod sa kasong rebelyon, mahaharap din sa kasong terorismo ang mga sangkot sa gulo sa Marawi City.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mas mabigat ang parusang ipinapataw laban sa mga mapatutunayang nakagawa ng terorismo.
Ang terorismo ay paglabag na nasa ilalim ng Republic Act Number 9372 o “human security act of 2007” kung saan ang sinumang mapatutunayang nagkasala ay papatawan ng parusa na 40 taong pagkabilanggo nang walang parole.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo