Inabswelto ng Department of Justice o DOJ si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa kasong isinampa laban sa kanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may kaugnayan sa paglusot ng 6.4 na bilyong pisong shabu shipment mula sa China.
Ito ay matapos na mabigo ang PDEA na magharap ng matibay na ebidensya laban sa isinampang kaso sa dating opisyal.
Samantala, sinampahan naman ng DOJ ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang sinasabing fixer sa Bureau of Customs o BOC na si Mark Taguba at ang negosyanteng si Kenneth Dong.
Kabilang din sa mga kinasuhan sina chen ju Long alyas Richard Chen at Richard Tan na pawang may – ari ng Longfei Logistics Warehouse, kung saan nadiskubre ang 600 kilo ng shabu; negosyanteng si Li Guang Feng alyas Manny Li; Eirene Mae Tatad, ang may – ari ng EMT Trading;
Customs broker na si Teejay Marcellana, pati ang mga Chinese national na sina Chen Min, Jhu Mhing Jyun, Hen Rong Huan at ilan pang Jane at John Does.
Wala namang piyansang inirekomenda ang DOJ laban sa mga akusado.