Nanindigan si Senador Sherwin Gatchalian na mapaparusahan ang mga sangkot sa hazing na ikinamatay ni Philippine Military Cadet Darwin Dormitorio.
Ayon sa Senador, sa ilalim ng bagong anti-hazing law ay itinuturing na isang krimen ang hazing.
Aniya, life time imprisonment o habang buhay na pagkakakulong ang parusa sa mga mapapatunayang sangkot sa insidente.
Yong hazing ngayon is a criminal act, at itong mga gumana ng hazing sa PMA ay mapaparusahan to at yong mga taong tumulong ay mapaparusahan rin. Makukulong at life imprisonment po ang katapat po nito..
Dagdag pa ng Senador, ang mga akusado sa hazing ni Dormitorio ang unang unang mga indibidwal na haharap sa mas mahigpit na anti hazing law.
Sisiguraduhin din ang mabilis na pag aksyon sa kaso dahil naganap ito sa loob ng isang government facility.
Ito’y magiging first case po natin, dahil yong lumang hazing law ang average maliit almost ay nakita ko doon sa physical less than 10% ang nakulong gamit po ang dating anti-hazing law. So ito po ay sinimplehan natin, ginawa po nating mas mahigpit kaya ito ang maghiging first test case at dahil nangyare ito sa isang gov’t facility importante na mabilis po ang pag reresolba nitong kaso na to.,” ani Gatchalian. — sa panayam ng Ratsada Balita
Pwedeng managot ang mga opisyal ng Philippine Military Academy hinggil sa hazing incident na ikinamatay ni cadet Darwin Dormitorio.
Aniya, kung mapatutunayang hindi gumawa ng aksyon ang mga opisyal hinggil sa insidente ay maaari rin silang makulong katulad ng mga sangkot.
Kasama aniya sa ilalim ng bagong anti-hazing law na dapat gumagawa ng aksyon ang organisasyon para matigil ang hazing sa kanilang kinasasakupan.
Hindi nila pwedeng sabihin na hindi nila alam, hindi nila pwedeng sabihin na wala silang kinalaman o hindi nila alam ang mga pangyayareng ganito dahil dito sa batas nakasulat na dapat gumawa rin sila ng hakbang, hindi na nila pwedeng gamitin yong dahilan na walang kaalaman sa pag-aabswelto sa kanilang mga sarili.
Ayon pa sa Senador, kasama rin ang mga medical staff na tumingin kay Dormitorio kung mapatutunayang pinagtakpan nila ang tunay na kalagayan ng kadete.
Kasama po natin sa batas yong pagtatakip, so ibig sabihin kung alam mo at hindi mo sinabe o kung alam mo tapos nag sinungaling ka, kasama ka rin dyan. At napatunayan na tinago mo ang resulta makukulong ka rin,” ani Gatchalian. — sa panayam ng Ratsada Balita