Ipinaaaresto na ng korte ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay PNP o Philiipine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa, hawak na niya ang warrant of arrest para kina Supt. Marvin Marcos at labing syam (19) na iba pa na mga dating miyembro ng PNP-CIDG Region 8.
Tiniyak ni dela Rosa na kumpleto naman ang lahat ng akusado sa CIDG Region 8.
Ibabalik na anya sa korte ang warrant upang doon na desisyunan kung saan ikukulong ang mga suspects.
Matatandaan na noong November 5, 2016, pinasok ng mga kagawad ng CIDG Region 8 na pinamumunuan ni Marcos ang Baybay City Provincial Jail kung saan nakakulong si Espinosa upang mag-serve di umano ng search warrant.
Depensa ng mga pulis, pinaputukan sila ni Espinosa kayat gumanti sila na siyang ikinasawi ng alkalde.
Napatay rin sa insidente ang drug suspect na si Raul Yap.
By Len Aguirre