Nakatakdang sampahan ng reklamo ngayong araw ng National Bureau of Investigation ang mga posibleng sangkot sa pagpatay sa brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Kahapon nagsagawa ng final briefing ang mga opisyal ng Departments of Justice at Interior and Local Government bago ihain ang mga reklamo laban sa mga idinadawit sa krimen.
Kabilang sa mga dumalo sina Secretaries Jesus Crispin Remulla ng DOH at Benjur Abalos ng DILG; NBI director Medardo de Lemos, PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., at NCRPO director, Brig. Gen. Jonnel Estomo.
Ayon kay Abalos, isinagawa ang final briefing upang maging “Airtight” ang lahat ng isasampang kaso.
Una nang inihayag ng DOJ at DILG na mayroong 160 persons of interest sa pagpatay kay Lapid, kabilang na si suspended Bureau of Corrections director-general Gerald Bantag.
Isa rin si Bantag sa mga itinuturong mastermind ng umano’y gunman na si Joel Escorial at pinaslang na ‘middleman’ na si Jun Villamor.