Ipatatanggal ng National Police Commission o NAPOLCOM sa Philippine National Police Academy o PNPA ang mga kadeteng sangkot sa pambubugbog sa 6 na bagong PNPA graduates.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, walang puwang sa PNPA ang mga ganitong uri ng mga kadete.
Sa ngayon, nagkasa na aniya sila ng imbestigasyon sa insidente.
Kung mapatunayang nagkasala, posible ring masampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mga sangkot na kadete.
Mga kadeteng nambugbog sa 6 na PNPA graduates, dapat nang i-dismiss sa akademiya ayon kay NAPOLCOM Vice Chair Rogelio Casurao @dwiz882 pic.twitter.com/VzNIcSsC2E
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 26, 2018
PNP chief Ronald Dela Rosa, inaming tradisyon ang pambubugbog ng mga kadete sa mga graduate ng PNPA: That tradition should be stopped. It promotes cycle of violence. @dwiz882 pic.twitter.com/fxSipwOYJa
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 26, 2018
Special investigation team
Bumuo na ng special investigation team ang pamunuan ng PNPA para tutukan ang kaso nang pambubugbog sa anim na bagong graduates nila.
Sinabi ni PNPA Director Chief Superintendent John Adnol na aalamin ng investigating team kung nagkaroon ng administrative violations na basehan para sa expulsion ng cadets of interest bilang bahagi ng due process.
Sa ngayon ay tinututukan ang 41 cadets of interest na naka-confined na sa barracks at mga third year level at kabilang sa susunod na batch na ga-graduate sa PNPA.
Ayon kay Adnol, personal na galit ang motibong nakikita nila sa insidente dahil ang anim na bagong graduate ay naging sobrang istrikto aniya sa mga paglabag ng kanilang underclassmen.
Nagsimula na aniyang mangalap ng pahayag mula sa kadete ang investigation team na inaasalam na rin ang pangalan ng mga kadeteng nakilahok sa pambubugbog.
Batay sa naunang ulat, anim na miyembro ng PNPA Maragtas Class of 2018 ang binugbog ng kanilang mga underclassmen sa loob ng locker room matapos lamang ng graduation rites.
(Ulat ni Jonathan Andal)