Inihahanda na ng Commission on Elections o COMELEC ang mga kasong ihahain nila laban sa mga nasa likod ng hacking sa kanilang website.
Inihayag ito ni COMELEC Spokesman James Jimenez makaraang kumpirmahin ng National Bureau of Investigation o NBI ang kinaroroonan ng mga hackers.
Sa panig naman ng NBI, sinabi nitong hawak na nila ang mga IP address ng mga umano’y hackers kaya’t madali na nilang matunton ang lokasyon ng mga ito.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na kahit pa hindi magagamit ang mga na-hack na datos sa kanilang website, dapat pa ring managot sa batas ang mga nanabotahe.
Samantala, pinasinungalingan naman ng COMELEC ang pahayag ng isang technology security firm na napasok ng mga hacker maging ang mga biometric records ng mga botante.
Kasunod ito ng ginawang hacking activity ng dalawang grupo sa website ng COMELEC kamakailan.
Ayon kay Spokesman James Jimenez, walang nakuhang finger prints record o maging iba pang impormasyon mula sa voter’s data record.
Aniya, wala namang access ang kumpanyang Trend Micro sa kanilang system kaya’t walang basehan ang mga naging pahayag nito.
Kaugnay naman nito, kumikilos na aniya ang information technology department sa pagba-validate sa mga datos.
By Jaymark Dagala