Pinakakasuhan na ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nakakolekta ng mahigit 2 bilyong piso sa kontrobersyal na ‘road right of way’ scam.
Ayon kay Gordon sapat na ang mga ebidensya laban sa mga sangkot sa pamemeke ng lupa partikular sa General Santos City na probinsya ni Senador Manny Pacquiao.
Iginiit ni Gordon na imumungkahi niya sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-overhaul sa Land Registration Authority o LRA na aniya’y punung-puno ng katiwalian.
Inimbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang halos 3 bilyong pisong ‘right of way anomaly’ sa isang apat na lane na 33 kilometrong highway sa General Santos City noong 2013.
Naniniwala si Gordon na kahit naging computerized na ang pagrerehistro ng lupa sa LRA ay posible pa ring magkaroon ng korupsyon sa sistema.
—-