Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na mayroong mga tiwaling tauhan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nasa likod ng laglag bala extortion racket.
Ito ayon kay Justice Undersecretary Emmanuel Caparas ang isa sa mga findings ng NBI na nagsabi ring wala namang sindikato sa loob ng paliparan.
Sinabi ni Caparas na hiniling ng NBI ang pagsalang sa preliminary investigation sa ilalim ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act ng ilang opisyal ng OTS o Office for Transportation Security na nakatalaga sa NAIA na sina Maria Elma Stena at Marvin Garcia.
Pinakakasuhan din ng task force ang mga miyembro ng PNP Aviation Security Group na sina SPO2 Rolando Clarin, Police Chief Inspector Adriano Konyo, SPO4 Ramon Bernardo at SPO2 Romy Navarro.
Ang imbestigasyon ay kasunod ng reklamo nina Eloisa Solita at Michael White na kapwa biktima ng laglag bala scam.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)