Muling nagbabala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila hinggil sa parusa sa mga masasangkot sa vandalism.
Ito ay matapos ang bandalismo sa Lagusnilad Underpass na gawa umano ng Panday Sining ng Anakbayan na labis na ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon sa Alkalde, padidilaan umano niya sa mga militante ang ginawa nitong bandalismo.
Mahigpit na ipinagbabawal ang bandalismo sa Maynila sa ilalim ng city ordinance number 79 – 71 o ang anti-vandalism law of 1999. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)