Isasama na ang mga sanggol hanggang mga batang edad 4 sa plano ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19.
Inilatag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang plano ng National Task Force Against COVID-19 sa patuloy na vaccination rollout sa buong bansa.
Ayon sa kalihim target na masimulan sa Abril ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 4 pababa.
Ito ay matapos ang pagbakuna sa 77-M na mga Pinoy bago matapos ang Abril kasama na rito ang kabataang edad 12-17, at target matapos ang 90-M bago mag-Hunyo na susundan ng booster shots sa 7.16-M indibidwal. —sa panulat ni Mara Valle