Marami at hindi iisa lamang ang naging sanhi ng naging pagbagsak ng C-130 Hercules aircraft ng Philippine Air Force sa Sulu kamakailan.
Ito ang nilinaw ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman, Col. Ramon Zagala kung saan, sinabi nito na ilan sa mga posibleng sanhi ay may kinalaman sa kagamitan, kalikasan o di kaya’y sa mismong tao na nagpapalipad ng eroplano.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na ganito rin ang naging dahilan ng pagbagsak ng Sirkosy S-70i ng helicopter ng Air Force sa lalawigan ng Tarlac.
Lumabas sa ulat na napunta ang eroplano sa maulap na bahagi kung saan may nangyayaring thunderstorm na siyang nakaapekto naman sa mga kagamitan.
Sinabayan din aniya iyon ng disorientation o pagkakaroon ng vertigo ng piloto na siyang nagresulta sa malagim na aksidente.
Paliwanag pa ni Zagala, nakasalig aniya sa International Practice ang naging pakay ng imbestigasyon upang hindi na maulit pa ang insidente sa hinaharap at hindi para maghanap ng masisisi.
Layunin din nito na makapagkasa ng ilang mga pagbabago sa umiiral na mga alituntunin o di kaya’y dagdagan pa ang pagsasanay sa mga piloto ng Air Force.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)