Ano nga ba ang sanhi ng pananakit ng likod?
Ang pananakit ng likod ay maaaring biglang maramdaman at magtagal ng 6 na linggo pababa na tinatawag na acute back pain, habang ang pananakit ng likod na mas matagal sa tatlong buwan ay chronic back pain.
Ito ay maaaring dahil sa pagbagsak o pagbubuhat ng mabigat na nakakasira sa kalamnan at mga litid sa gulugod o spine.
Posible ring dahilan ang pamamaga o pagkasira ng disk na nagsisilbing pampalambot sa pagitan ng mga buto ng spine.
Isa rin sa dahilan ang osteoporosis dahil ang buto sa likod ay maaaring magkaroon ng maliliit na fracture dahil sa kakulangan sa calcium.
Sakaling nakararanas ng ilang araw na pananakit ng likod, kailangan magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot.