Maaaring mag-apply ng authorization sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga sari-sari store upang makapagbenta ng gamot.
Ito, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kasunod ng apela ng publiko na payagan ang mga sari-sari stores na magbenta ng over-the-counter medicines.
Nitong Huwebes nang ipag-utos ng DILG na arestuhin ang mga store owner na nagbebenta ng hindi otorisado at pekeng gamot.
Sa ilalim ng Section 30 ng republic act no. 10918 o ang Philippine Pharmacy Act, tanging ang FDA-Licensed Retail Drug Outlet o pharmacies ang pinapayagang magbenta ng mga gamot sa publiko.