Plano ng Department of Trade and Industry o DTI na patawan na rin ng suggested retail price o SRP ang mga itinitinda sa mga sari-sari store.
Gayunman, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na iba aniya ang magiging SRP sa mga sari-sari store lalo’t hinahango lamang ng mga ito ang produkto mula sa supermarket at iba pang pamilihan.
Samantala, tiniyak naman ng DTI na linggo linggo ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga pamilihan para matiyak na pasok pa rin sa suggested retail price o SRP ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
—-