Tiniyak ng Malacañang na walang babayaran ang sinumang indibidwal na sasailalim sa 14-day quarantine period dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease.
Subalit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat lamang tiyaking nasa mga pampublikong ospital magpapagamot ang mga persons under investigation (PUIs).
Sinabi ni Panelo na sagot ng gobyerno ang mga test, confinement, gamot at iba pang hospital related expenses ng pasyente.
Ayon kay Panelo, ibang usapan na kung sa pribadong ospital magpapagamot ang mga PUI dahil tiyak na mapapagastos na sila.
Kahapon lamang dumating sa bansa ang 32 Pilipino mula China at isinailalim sa 14-day quarantine period sa New Clark City sa Tarlac.
Wala rin aniyang dapat ikabahala ang 32 Pilipino na umuwi dahil sagot din ng pamahalaan ang gastusin nila.