Ilang sasakyang iligal na nakaparada sa Batasan Road sa Quezon City ang hinatak ng Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon kay M.M.D.A. Spokesperson Celine Pialago, kahit ang dahilan ng mga vehicle owner ay nakatago sa mga gilid ng kalsadang hindi masyadong nadaraanan ang kanilang mga sasakyan, hindi ito rason upang paradahan ang mga nasabing lansangan.
Sa Litex nakiusap ang ilang motorista sa M.M.D.A. na huwag hatakin o i-tow ang kanilang mga sasakyan pero hindi pa rin sila nakaligtas maging ang mga motorsiklo na may M.M.D.A. ay hindi pinalampas ng mga otoridad.
Hindi rin pinatawad ng MMDA ang mga jeepney driver na pumarada lamang sa Commonwealth Avenue habang nanananghalian.
Samantala, pagmumultahin naman ang mga may-ari ng mga hinatak na sasakyan ng 500 Pesos habang 200 Pesos para sa illegal parking.