Sinita ng traffic enforcers ang maraming bus at jeep na bumibyahe sa kahabaan ng Commonwealth dahil sa paglabag sa patakarang 70% kapasidad lamang ang maaring isakay ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) team Leader Jose Manuel Bonnevie, binigyan muna ng babala ng mga enforcer ang mga lumabag na drayber ng sasakyan sa halip na tiketan sa unang araw ng pagpapatupad ng pagluwag sa nasabing patakaran.
Samantala, nagdulot ito ng pagkairita sa ilang mga naperwisyong pasahero dahil sa pagkaantala sa kanilang biyahe. —sa panulat ni Airiam Sancho