ilang sasakyan na may nakakabit na commemorative plate ang sinita ng PNP-Highway Patrol Group sa Bonifacio global city sa Taguig.
kabilang sa mga natiyempuhan ang isang dayuhan na wala umanong ideya na bawal ang maglagay ng commemorative plate.
Aminado naman ang ilang driver na ginagamit nila ang commemorative plate sa pag-aakalang hindi sila masisita o mahuhuli.
Ayon kay Chief Supt. Roberto Fajardo, hepe ng PNP-HPG, hindi na nila pinagmulta ang mga nasita subalit kinumpiska mula sa kanila ang mga nasabing plaka.
Nilinaw naman ni Fajardo na hindi exempted sa traffic ang mga mayroong commemorative plate habang nagsasagawa na rin sila ng case build-up sa mga gumagawa at nagbebenta nito.
Samantala, hinuli rin ng PNP-HPG katuwang ang Land Transportation and Regulatory Board ang mga colorum van sa B.G.C. na naniningil sa pasahero bilang shuttle service kahit walang prangkisa.