Pinaghahatak na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at ng PNP Highway Patrol Group ang mga sasakyang nakabara sa mga tinatawag na Mabuhay Lanes.
Ito rin ang gagamitin ng mga awtoridad bilang Christmas lanes upang maibsan ang trapiko sa EDSA ngayong Kapaskuhan.
Partikular na binagbabatak ang mga nakaparadang sasakyan mula sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Balintawak Cloverleaf, Monumento, A.De Jesus, C-3 Road at A.bonifacio sa Caloocan.
Gayundin ang Mayon Avenue sa Quezon City patungo ng Welcome Rotonda.
Bukod sa mga four-wheeled vehicles babatakin din ng mga otoridad ang mga motorsiklong nakaparada sa nasabing mga kalsada.
By Jaymark Dagala