Pinapayagan na muling maglayag ang mga sasakayang pandagat na naapektuhan ng bagyong Maring.
Batay sa inilabas na abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), pinahintulutan na nila na makabalik sa byahe ang mga barko at ilan pang sasakyang pandagat.
Kabilang sa mga pinapayagan ay ang motorized banca at ilang mga barkong sumilong upang maiwasan ang masamang panahon.
Pinayagang makabiyahe ang mga naturang sasakyang pandagat makaraang makalabas na ng PAR ang bagyong Maring at alisin ang lahat ng typhoon signal o babala ng bagyo sa ilang lalawigan.