Pinayagan na ng Philippine Coast Guard ang mga sasakyang pandagat lalo na sa Bicol Region na makapaglayag.
Ito ay kaugnay sa pagganda ng lagay ng panahon habang papalayo naman na ang bagyong Nina.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, dahil sa resumption ng mga biyahe ay nabawasan na ang bilang ng mga istranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol Region.
Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin ni Balilo ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag magpakampante dahil sa asahan pa rin ang maalong karagatan.
By Ralph Obina