Tinatayang dalawandaan (200) hanggang tatlundaang (300) negosyante ang sasama sa 4-day visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia, ngayong linggo.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kasabay ng pagbisita ni Pangulong Duterte ang nakatakdang paglagda ng Pilipinas at Russia sa mga government-to-government at business-to-business Memoranda of Understanding o MOU.
Lalagda rin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga MOU on Trade and Investment Promotion at Industry Development sa Russian counterpart nito.
Marami anyang trade at investment opportunities sa pagitan ng Pilipinas at Russia kasabay ng inaasahang pagpapatibay sa bilateral relation ng dalawang bansa.
Nangunguna ang Russia sa mga bansang may pinaka-malaking produksyon ng langis at ikalawang pinaka-malaking oil exporter sa mundo.
By Drew Nacino