Hawak na ng mga local disaster risk reduction and management office ang mga kinakailangang relief goods kasunod ng pananalasa ng super Bagyong Lawin.
Ito’y ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ay bilang bahagi ng kanilang pre-positioning bago pa man dumating ang kalamidad.
Maliban sa mga relief goods, sinabi ni Jalad na nagpadala rin sila ng mga satellite phones sa mga local risk reduction and management office na gagamitin sakaling bumagsak ang komunikasyon sa mga lugar na apektado ng super bagyo.
Pagtitiyak pa ni Jalad, may naka-standby silang mga relief goods sa mga itinalaga nilang bodega o warehouse sakaling maubos ang mga nauna nilang ipinadala.
By: Jaymark Dagala