Agad na masisibak sa serbisyo ang mga mapapatunayang skalawag na pulis.
Ayon kay PNP chief , General Archie Gamboa, ipinatutupad na nila ang pagsibak sa mga rogue cops sa loob lamang ng 15 araw.
Sinabi ni Gamboa na nais nyang mapabilang dito ang local maritime police chief at dalawang pulis na nasakote sa Masbate dahil sa pangingikil.