Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros ang mga scam at hindi otorisadong transaksyon sa mobile financial services.
Sa inihaing senate resolution number 1234 ni Sen. Hontiveros, iginiit nito na dapat mabusisi ang mga patakaran sa Financial Technology (FINTECH), gayundin ang kakulangan ng batas para sa proteksyon ng mga pilipinong gumagamit ng digital wallets.
Ayon pa sa senador, malaki ang naitulong ng mobile financial services sa mga Pilipino, partikular sa mga walang kakayahan na magbukas ng account sa bangko, gayundin sa paglago ng ekonomiya at financial inclusion.
Kaugnay nito, kailangan aniya ng batas na poprotekta sa kapakanan ng bawat Pilipino na gumagamit ng digital wallets, lalo na kung may scam, hacking at iba pang iregularidad.
Iginiit pa ni Sen. Hontiveros na dapat na magkaroon ng sistema na magpapahusay sa regulatory oversight sa financial technology sector.