Ipinaaresto na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga scammer na sinasabing nagsosolicit sa mga Local Government Unit (LGU).
Giit ni DBM secretary Amenah Pangandaman, nagpapakilala umanong mga kawani ng DBM na nanghihingi ng pera sa mga opisyal ng local government.
Aniya, dapat nang madakip ang mga nagpakilalang kawani ng ahensya para hindi na muling makapambiktima ng mga opisyal ng LGU.
Nanawagan ang ahensya sa mga Pinoy na makipag-transact sa official channels ng DBM para makaiwas sa scam. —sa panulat ni Jenn Patrolla