Hinimok ng isang party-list group ang gobyerno na imbestigahan ang mga scammers na nagbebenta ng pekeng vaccination exemption cards.
Ayon kay Marcelino Arias, second nominee ng Act as One Partylist Group, kailangang ipakita ng gobyerno na hindi nila kukunsintihin ang ganitong mga gawain.
Maliban sa pagiging iligal, ipinapakita rin nito ang pagpigil sa ginagawang effort ng gobyerno upang mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga pilipino.
Unang nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards. —sa panulat ni Abby Malanday