Inatasan na ng mga DepEd official sa Western Visayas ang 21 schools divisions sa rehiyon na suriing maigi ang water sources sa kanilang mga paaralan.
Bilang tugon laban sa Cholera sa gitna nang patuloy na pagtaas ng kaso nito sa Negros Occidental.
Ayon kay DepEd-Western Visayas director Ramir Uytico, hindi dapat inumin ng mga mag-aaral at guro ang tubig sa mga paaralan.
Inihayag naman ni Negros Occidental Schools Division spokesman Ian Arnold Arnaez na inabisuhan na sila ng kanilang Medical Officer na si Dr. Joey Villarosa na isinama ang Cholera Precautions Procedures for School Based Management of Water Sanitation and Hygiene.
Pinagsusumite na anya nila ng sanitation permit at health card ang mga operator at manggagawa ng canteens sa elementary at secondary schools sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, maging ng Teaching at Non-teaching staff.
Sa ngayon ay mayroon ng 28 cholera cases sa lalawigan.