Nagsimula ng magtaas ang presyo ng mga school supplies mahigit isang buwan bago mag-pasukan.
Kabilang na rito notebook na may 80 leaves na piso (P1.00) hanggang tatlong piso (P3.00) ang itinaas.
Nasa P0.50 naman hanggang P3.25 ang itinaas ng grade pad paper.
Habang P1.00 hanggang P5.00 ang inaasahang dagdag sa preso ng intermediate pad.
Sa crayola naman ay P2.00 hanggang sP10.00 ang itinaas sa presyo.
Paliwanag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, nagmahal ang presyo ng raw materials na ini-import galing na ginagamit ng paper millers para sa paggawa ng papel.
Samantala, nakatakdang ilabas ngayong weekend ng Department of Trade and Industry o DTI ang bagong Suggested Retail Price o SRP ng mga school supplies.
—-