Mahigit 50 second hand motorcycles ang kinumpiska ng Southern Police District sa Taguig City.
Nahuli ng mga miyembro ng ANCAR o Anti Carnapping Unit ng SPD sina Samsudin Zailon at Rannie Jolero habang isinasakay ang mga naturang motorsiklo sa 2 six wheeler truck sa harap ng bahay ni Zailon.
Nang hingan ng mga kaukulang papeles partikular ang permit to transport at business permit bigo si Zailon na magpakita ng mga nasabing dokumento.
Sinabi ng Ancar na iche-check muna nila ang registration papers ng mga nasabing motorsiklo bago ideklarang nakaw ang mga ito na dadalhin umano sa Midsayap, North Cotabato.
Mahaharap sa kasong paglabag sa anti carnapping law sina Zailon at Jolero kapag napatunayang nakaw ang mga naturang motorsiklo.
By: Judith Larino