Binaklas na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng security checkpoint sa buong bansa alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, linggo pa lamang ng gabi ay sinimulan ng tanggalin ang mga fixed checkpoint sa halip ay tanging mobile checkpoint ang ilalagay kung kailangan.
Itatayo lamang anya ang mobile checkpoints kung mayroong police operations.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na nakasasagabal sa mga motorista lalo sa Mindanao ang mga checkpoint na itinatayo ng pulisya, militar, rebeldeng komunista at mga rebeldeng Moro.
By Drew Nacino