Naniniwala ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na may kinalaman ang mga security guard kaugnay sa Cockfighting Arena sa Manila.
Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Senado, inihayag ng isa sa ama ng mga biktima na bago nawala si Jhon Claude Inonog, nagawa pa nitong makatawag sakaniya at binanggit ang tatlong pangalan ng mga sekyu na nagsakay sakaniya sa isang sasakyan kasama ang iba pang mga sabungero.
Dahil dito, hinimok ni Senate Committee Chairperson Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang ama ni Jhon Claude na pangalanan ang mga security guard pero sinabi nito na hindi siya sigurado sa mga nabanggit na pangalan ng kaniyang anak.
Bukod pa dito, meron ding hawak ang ama ni Jhon na litrato ng mga security guard na nakuhanan noong gabi ng January 13.
Sa ngayon, ay patuloy pang iniimbestigahan sa senado ang pagkawala ng mahigit 30 sabungero. —sa panulat ni Angelica Doctolero