Hiniling ni Albay Rep. Edcel Lagman sa korte Suprema na padaluhin sa oral arguments ang top security officials ng pamahalaan sa pangunguna nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ngayong araw.
Ginawa ito ni Lagman na isa sa mga petitioner sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao sa ikalawang araw ng talakayan kahapon.
Kasunod nito, inihirit ni Solicitor General Jose Calida sa mga mahistrado na gawin ang pagharap nila Lorenzana at iba pang security officials sa pamamagitan ng Executive Session.
Posible kasi aniyang may matalakay na sensitibong usapin na may kinalaman sa pambansang seguridad, bagay na pinalagan ni Lagman na nagsabing baka matulad lamang ito sa naunang pagharap ng dalawa sa Kamara kamakailan lamang.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo