Halos maparalisa ang operasyon ng mga paliparan sa Germany makaraang mag-welga ang nasa 1,000 security guard.
Nasa 160 flights ang kinansela o sinuspinde kabilang ang nasa Frankfurt International Airport na pinaka-malaking paliparan sa bansa.
Kabilang sa iginigiit ng mga sekyu mula sa Verdi Union sa Federal Association of Aviation Security Companies ang dagdag sahod.
Ito’y bunsod ng tumataas na cost of living allowance sa Germany dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.