Bukas na muli ang mga sementeryo sa bansa simula ngayong araw na ito, Huwebes, ika-5 ng Nobyembre.
Ito ay makaraang isara muna ang mga sementeryo sa bansa mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre para maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa paggunita ng Undas.
Nabatid na iilan na ang nakitang nagtungo sa Manila North Cemetery kaninang umaga.
Mahigpit pa ring pinaiiral ang health protocols sa mga nagtutungo sa mga sementeryo tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ang physical distancing.