Isasarado sa publiko ang lahat ng mga sementeryo sa buong bansa simula October 29 hanggang November 4 bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang din sa mga isasara sa nasabing petsa ang mga kolumbaryo.
Pagdidiin pa ni Roque, sang-ayon din ang pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pansamantalang pagsasara sa mga libingan.
Kasabay nito, para bigyang daan ang mga nais na makadalaw sa kanilang mahal sa buhay na namayapa na, maaari pa namang bumisita sa mga sementeryo ng hanggang sa 30% ng kapasidad ng naturang sementeryo.
Samantala, iginiit din ni Roque sa publiko na dapat may suot ang mga ito na face mask at face shield oras na bibisita ang mga ito sa mga sementeryo.