Kinakapos na ng espasyo ang anim na sementeryo sa Cebu City dahil sa mataas na bilang ng namamatay sa COVID-19.
Ayon kay Cebu City Councilor David Tumulak, naabot o maaabot na ng Pardo Roman Catholic Cemetery, Calamba Cemetery, Queen City Memorial Garden at Municipal and Veterans Cemetery ang kanilang full capacity.
Sa Carreta anya ay mayroon na lamang apat na nitsong natitira.
Aminado si tumulak na hindi maikakailang tumaas ngayong buwan ang COVID-19 fatalities sa lungsod pero beberipikahin nila kung ano ang tunay na sanhi ng karamihan ng mga namatay.
Sa ngayon ay 64 na death certificates na ang bineberipika ng Cebu City Health Department Cadaver Division Head kung pawang may kaugnayan sa COVID-19 ang mga ito. —sa panulat ni Drew Nacino