Ininspeksyon ng Manila Police District sa pangunguna ng hepe nitong si Brig. Gen. Leo Francisco, ang mga pampublikong sementeryo sa lungsod.
Ito’y upang matiyak na hindi magtatangkang pumasok sa sementeryo ang ilang makukulit sa kabila ng pagsasara ng mga sementeryo simula Oktubre 29 hanggang bukas, Nobyembre 3.
Pangunahing tinutukan nina Franciso at mga force multiplier ang Manila North Cemetery at ilang bahagi ng pinaka-malaking sementeryo sa Metro Manila.
Magpapatuloy anya ang pagbabantay ng pulisya sa mga himlayan sa Maynila hangang sa susunod na linggo.
Sa tantya ni Francisco, nasa 40,000 lamang ang pumasok sa cementerio del norte noong mga nakalipas na araw at wala namang naitalang “untoward incidents.” —sa panulat ni Drew Nacino