Sarado ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lalawigan ng Tarlac simula oktubre 29 hanggang nobyembre 2.
Alinsunod ito sa pasya ng Tarlac Inter-Agency Task Force upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pinakahuling datos, nasa 17,448 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan, kabilang ang additional 90 cases.
Aabot naman sa 16,392 ang total recoveries habang 735 ang death toll. —sa panulat ni Drew Nacino