Nanindigan si Senadora Grace Poe na tututulan niya ang anumang panukalang batas laban sa kalayaan ng sinuman na makapagpahayag.
Ito’y sa kabila ng mga isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na layong makapagbalangkas ng batas kontra fake news.
Ayon sa Senadora, kaniyang isusulong ang mga panukalang magtataas sa parusa hinggil sa cyber libel gayundin ang mga opisyal ng pamahalaan na magpapakalat ng mga pekeng balita.
Kasunod nito, aminado naman si Senate Majority Leader Tito Sotto na hirap silang magbalangkas ng batas kontra fake news dahil pawang mga ficticous o anonymous accounts ang ginagamit dito.